Kapampangan
Ang Kapampangan ay isang Wikang Hilagang Pilipinas sa loob
ng pamilyang Awstronesyo. Ang mga wikang Sambal (Zambales) at ang wikang
Bolinao (Bolinao, Pangasinan) ay kabilang sa mga malalapit na wika ng
Kapampangan.
Iba pang tawag: Pampango, Capampañgan, Pampangueño, Amanung
Sisuan.
Ang mga Kapampangan ay isa sa mga pinaka-maimpluwensyang
pangkat etnikong Pilipino. Ipapakita sa pahinang ito ang kultura ng mga
Kapampangan: Ang kanilang tradisyon o kaugalian, paniniwala o pamahiin, at
sining.
Tradisyon
Maraming tradisyon ang mga kapampangan.Sinasabi nila na ang
mga kapampangan ay magaling sa pagluluto,sa katunayan ang Pampanga ang
tinaguriang Culinary Capital of the Philippines.
Kabilang sa mga tradisyon ng mga kapampangan ay ang
Liglagang Parul o mas kilalang Giant
Latern Festival isa itong taunang pagdiriwang na ginaganap tuwing disyembre.
Isa rin sa pinagdiriwang ng lalawigan ng Pampanga ay ang
Philippine International Hot Air Ballon Festival ito ay ginaganap sa buwan ng
Abril sa lungsod ng lubao,kung saan pinapakita nila ang mga ibat ibang hugis ng
lobo at mga ibat ibang mga palabas.
Mga kaugalian ng mga Kapampangan
Mapagkumbaba – Nananatili pa rin ang kanilang mga paa na
nakaapak sa lupa.
Mahilig makipagkapwa-tao – Madalas silang makisalamuha sa
tao.
Pagmamano – Ito ay madalas ginagawa ng mga nakababata sa
kanilang mga magulang o sa mga nakatatanda sa kanila.
Awit ng Kapampangan
Isa sa mga sikat na
awitin ng Kapampangan ay ang ating cu pung singsing .
At ang Himno ng Kapampangan:
Comments
Post a Comment