Batangueño

 



Ang Batangas ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa timog-kanlurang bahagi ng Luzon. Ito ay nasa Rehiyon IV-A CALABARZON. Napaliligiran ito ng mga dagat at ilang mga bundok. Napaliligiran din ito ng lalawigan ng Cavite at Laguna sa hilaga at Quezon naman sa silangan. 


Paraan ng Pagsasalita

Kilala ang mga tao sa Batangas sa kanilang diyalekto na tinatawag na Wikang Batangas-Tagalog, Batangan, Batangueño, o Batangenyo. Ang wikang kanilang ginagamit ay wikang Tagalog at wikang Ingles. 




     Ang mga taga-Batangas ay kilala sa kanilang ipinagmamalaking "kapeng barako" na isang uri ng coffea liberica. 


     Kilalang kilala rin sila sa pagkain na "lomi" na mula sa pinakuluang manok, pwede ring baboy o baka, pansit, halong gulay at laman ng hipon. 




    Ang lugar na ito ay sagana sa mga baka kung saan, ang isang bayan ng probinsya ng Batangas o mas kilala bilang Padre Garcia ay tinaguriang "The Cattle Trading Capital of the Philippines". 



Kabuhayan

 



     Isa ang pangunahing hanap buhay ng mga Batangueño ang Pangingisda


  Isa rin ang Agrikultura sa mga hanap buhay nila.


Katangian ng mga Batangueño



 Mapagmahal:

  Isa sa mga katangian ng mga Batangueño ang mapagmahal.


 Ang mga Batangueño din ay palasimba.



Mga Kilalang Lugar sa Batangas



     Taal Volcano and Crater Lake

     Ito ang pinakasikat na atraksyon sa Batangas, ito ay ang Taal Volcano at ang Crater Lake. Marahil ito ay aktibong bulkan ngunit mayaman din ito sa mga yamang tubig tulad ng ‘tawilis’ na sa Batangas lang makikita. Makikita ang Taal Volcano at ang Crater Lake sa San Nicholas, Batangas.



Cape Santiago Light House


     Ang Cape Santiago Light House  ay isang instraktura sa Calatagan, Batangas na unang tinayo at tinatayang 100 taon na ang edad. Matatanaw naman nito sa taas ang yamang tubig , ang Burot Beach.














Comments

Popular posts from this blog

Kapampangan