Batangueño
Ang Batangas ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa timog-kanlurang bahagi ng Luzon. Ito ay nasa Rehiyon IV-A CALABARZON. Napaliligiran ito ng mga dagat at ilang mga bundok. Napaliligiran din ito ng lalawigan ng Cavite at Laguna sa hilaga at Quezon naman sa silangan. Paraan ng Pagsasalita Kilala ang mga tao sa Batangas sa kanilang diyalekto na tinatawag na Wikang Batangas-Tagalog, Batangan, Batangueño, o Batangenyo. Ang wikang kanilang ginagamit ay wikang Tagalog at wikang Ingles. Ang mga taga-Batangas ay kilala sa kanilang ipinagmamalaking "kapeng barako" na isang uri ng coffea liberica. Kilalang kilala rin sila sa pagkain na "lomi" na mula sa pinakuluang manok, pwede ring baboy o baka, pansit, halong gulay at laman ng hipon. Ang lugar na ito ay sagana sa mga baka kung saan, ang isang bayan ng probinsya ng Batangas o mas kilala bilang Padre Garcia ay tinaguriang "The Cattle Trading Capital of the Philippines". Kabuhayan